Archive for June, 2008

28
Jun

NANLILIGAW KA BA O NALILIGAW KA LANG??

**Ganito ka ba manligaw?
**Ganito ba sya manligaw?

**Ikaw lang nakakaalam nyan..

YO GIRLS!! ETO BA ANG KLASE NG MGA MANLILIGAW MO…???

Mr. Gwapings

mayaman, gwapo, kilala at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na di sya mababasted kaya pag nabasted maaapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihin “sus kala mo kung sinong maganda eh pinagtyatyagaan ko lang naman sya. pweh!”

Mr. Quickie

ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam sabihin kundi “kelan mo ba ko sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa love?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.

Mr. Everything

linya nya ang “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magugustuhan mo. kahit pa ang buwan o kaya mundo.” gaga ka pag nagpauto
ka. dahil pag sinagot mo na yan,
makakalimutan na nya ang linyang yan!

Mr. Stalker

eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na “kumain ka na ba?” pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong “nasan ka ngayon?” “sinong kasama mo?” “anong ginagawa mo?” at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kailangan malaman nya, pero ang nakakatakot na parte dyan eh yung kahit hindi mo sagutin ang mga tanong nya na iyon ay nalalaman pa din nya, mukhang may matinding “source” ang gago na pinagkukunan ng impormasyon tungkol sa’yo kaya nasusundan ka na nya kahit saan ka magpunta, kadalasan humahantong ang tagpong ito sa rape dahil hindi na nya talaga mapigilan ang nararamdaman nyang nag-aalab!! kaya mag-ingat ka sa mga pinagkakatiwalaan, baka kasi ilaglag ka ng mga kakilala mo di’ba? at mabigyan nila ng impormasyon tungkol sa’yo ang damuhong lalake na yon, di mo na kasi masasabi sa panahon ngayon kung sino talaga ang kakampi mo, ANG DAMING PLASTIK SA PANAHONG ITO!! Sino nga ba ang mga taong posible mong pagbintangan?? pwedeng kapit-bahay mo, kaibigan mo, mga AMIGA at kalaro ng nanay mo sa mahjong, ka-tong-itsan mo, tindero ng mais sa tapat ng bahay nyo, mailman na palaging nagbibigay ng mga sulat galing sa “stalker” mo pero lingid sa kaalaman mo s’ya na pala si mr. Stalker, tindero ng balot (pero sya na pala yon! haha!), ahente ng meralco na madalas maningil kahit nakapagbayad ka na, yung palaging sumisigaw sa tapat ng bahay nyo tuwing umaga at hapon nang “NAGAWA NG PAYONG… NAGAWA NG PAYONG..” ABA MAS MATAKOT KA KUNG ANG SINISIGAW NYA… “NAGAWA NG BATA… NAGAWA NG BATA!!”, minsan mga close friends mo pa, at maging ang mga magulang mo kung boto sila sa damuhong lalake na yan at kahit i-istalk ka pa ng WALANGYA eh ayos lang sa kanila Malay nila at Pake ba nila “MA at PA” nga talaga sila, well “LITERALLY” haha! at wala silang kibo basta may pasalubong lagi para sa kanila na hopiang munggo ATBP., pwede ring mga tambay, ka-chat, ka-text, ka-bluetoothan, kamag-anak, pinsan, pamangkin, kinakapatid, inaanak, kumare, kumpare, ninong, ninang, bayaw, biyenan, bilas, tiyuhin, tiyahin, lolo, lola, lelong, lelang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, apo sa alak-alakan, ate, kuya, yaya, maid, cook, tubero pls. call 843-82-31.

Mr. Take it or Leave it

pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at eto pa, hinding hindi ka nya papansinin. period.

Mr. Salesman

dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang mas
matindi sya mang-uto. KUNG BINEBENTAHAN KA NG BAHAY AT LUPA NYAN MALAMANG BUMILI KA NG LIMA “KAHIT BA NASA PASO PA EH” DAHIL SA GALING NYA SA “SALESTALK” puro bola nga ang gagawin ng tarantadong yan sa’yo.. yun bang tipong
“ang ganda ganda talaga ng mga mata mo..” KAHIT DULENG KA NAMAN!! o kaya ang lambot ng mga kamay mo, anong lotion ang gamit mo?” kahit yung kamay mo parang paa!! TAPOS BEBENTAHAN KA LANG PALA TALAGA NG LOTION ANO?? BWISET!! Eto ang grabe.. “KUNG MASAMA ANG MAHALIN KA.. MAGPAPAKASAMA AKO!!” HAHAHAHA!!! at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang ng OO. HAHA!!!

Mr. Good Dog

eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga-bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan!! hala ka!!

Mr. Anonymous

motto nya ang “action speaks louder than words”. wala kang kaalam-alam na nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. haha

Mr. Second Chance

sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 times mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya pa rin ay “please give me a second chance”

Mr. Romantiko

jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at kahit magmukha ng TINDAHAN NG BULAKLAK ANG BAHAY NYO AT MAGKA-DIABETES KA NA ay lagi pa din s’ya may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw sa’yo. pero madalas nakakapagpakilig s’ya ng nililigawan nya dahil sa kanyang ‘malinis na hangarin’ aww… siguraduhin mo lang!!! =)



Kaya para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan,

naliligaw, nag-hihintay maligawan at nagbabalak lumagay sa magulo:

Ang love ay hindi minamadali, hindi pinipilit at lalong hindi kina-career.. Aray ko!

Unang-una mga BOYS, PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?

  • Dahil ba natutuwa ka sa kanya?
  • O kaya naman naaaliw ka?
  • Naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya?
  • Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya?
  • At naha-high kapag naririnig mo na ang boses niya?



Eh teka muna, baka naman na-IMPACHO ka lang ESTE…. INFATUATED ka lang o kaya naman kagaya nga ng sagot mo, BAKA naaaliw ka lang. Dahil kakaiba siya, may spark na hindi mo maintindihan.

TSK! Ang saklap nyan!…

GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???…

  • Madali ba siyang mapikon?
  • Pano ba siya mabadtrip?
  • Madali bang mahalata na may topak siya?
  • Ano bang suot niya pag nasa bahay siya?
  • Skirt, Shorts, o pantalon?
  • Naka “kikay look” ba siya o naka-t-shirt lang?
  • Matagal ba siyang maligo?
  • Kumakain ba siya ng vegetables?
  • Tamad ba siya?
  • Mas gusto ba niyang manood ng tv kaysa magbasa ng libro?
  • Nagp-PSP ba sya?
  • Tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki? (ANONG KONEK?! LOL!!)
  • Makukulit ba yung mga kamag-anak niya?
  • Green ba ang kulay ng gate ng bahay nila? (ANO ULIT ANG KONEK?!!)
  • Sa village ba siya nakatira?
  • May sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila?
  • Nagsisimba ba siya linggo-linggo?
  • Kasama ba yung pamilya niya?
  • At nagdadasal ba siya bago matulog???…


In short,
alam mo na nga ba ang mga bagay-bagay? Ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya, na nagdedetermine ng sarili niya. As in kung sino ba talaga SIYA.

Pangatlo, KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN?

As in TANGGAPIN ng buong-buo.

  • Sa lahat ng trip niya sa buhay
  • Sa lahat ng katopakan niya
  • Sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya
  • Sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya
  • Sa lahat ng naiisip niya
  • Sa lahat ng sasabihin niya
  • Sa kilos niya
  • Sa pananamit pa pala niya
  • Sa pagsasalita
  • Sa pananaw niya sa buhay
  • Sa pagtrato niya sa tao
  • Sa lifestyle niya
  • Sa uri ng pamilyang meron siya
  • Sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya
  • Sa style niya pagdating sa love
  • Sa kasweetan niyang natural
  • Sa paglalambing niya
  • Sa tawa niyang pagkalakas-lakas
  • Sa manners niya
  • Sa bisyo niya kung meron man
  • Sa mga pang-aasar niya sayo
  • Sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema
  • Sa problemang maaari ka ring masama…



Pang-apat, KAYA MO BANG MAGING TOTOO?

  • Kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama pa rin siya sa isang sitwasyong pag naisip mo eh mapapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil din sa kanya?
  • Kaya mo bang magmukhang tanga as in umiyak ng dahil sa kababawan ibuhos ang mga nararamdaman mo kahit na puro kababawan nga lang naman as in kahit sa harapan niya?
  • Kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya? Yung tipo bang wala ka ng pakialam mawala man ang manners mo na wala ka naman talaga!!! jowc lang hahaha!!! ano sure ka na?!




In short,

KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA?

Yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga dahil alam mong HINDI MO LANG SIYA TANGGAP, TANGGAP KA RIN NIYA. BUONG-BUO RIN!!

MGA TAO! Tama na kasi ang trip. Tama na ang pagmamadali. Oo, masarap ngang mainvolve sa isang tao, pero diba mas masarap yun LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNG NARARAMDAMAN MO. see what i’m sayin peeps?


NANLILIGAW KA BA TALAGA O NALILIGAW KA LANG NG LANDAS??!

BAKA KAILANGAN MO NG “DIRECTIONS” PAPUNTA SA PUSO NYA!!

NAKS NAMAN!! SINONG UULULIN MO?? HAHAHA!!!
IPAKITA MO MUNA SA KANYA NA MALINIS ANG INTENSYON MO AT KILALANIN MO
MUNA SIYANG MABUTI. ALAMIN MO ANG TUNAY NA NARARAMDAMAN MO, KASI PAG DI
KA NAMAN SIGURADO SA NARARAMDAMAN MO EH KAWAWA LANG SYA SAYO…..

24
Jun

NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT SINGLE KA PA??

  • SINGLE: Minsan ayos lang maging SINGLE kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan,. lalo na’t malamig ang hangin o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa’yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.


*kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba kayo walang nagiging boyfriend/girlfriend? tingnan natin..

1) MASYADONG INDEPENDENT - baka naman masyado mo napoproject na kaya mongmabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2) MATAAS ANG STANDARDS- siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala siya madalas maligo, mahiyain mag-toothbrushkaya naman sobrang bad breath niya sa umaga, puro barya ang mga hita at binti o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo, may nakausli na “pang labing-isang” daliri sa kamay at NAKAPANGINGILABOT NA BALAT dahil madami siyang AN-AN SA kanyang LIKOD NA PARA BANG MAPA NG CEBU… oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboboyfriend at maggirlfriend ngaun puro friends na lang.

3) UBOD KA NG KASUNGITAN - maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. (^^,)

4) MASAMA ANG UGALI - kung papipiliin ako kung sa masungit o sa masama ang ugali… dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng ‘peek-a-boo’BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait, pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo magbago. magdasal ka kay lord ng mataimtim huh?? *hahahaha*

5) NAGKUKULONG SA BAHAY - walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka.. pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6) MUKHA KANG LOSYANG - ito ang kadalasang krimen ng mga single. Hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI !!! Dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7)MASYADONG MAGALING - medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na i-compromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan na may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong ma-intimidate.

8) SOBRANG BUSY - alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.

9) DALA ANG BIGAT NG KAHAPON - may kasabihan nga, “how can u look forward when u keep looking back?”walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa! tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman? (^^,)

10) MASYADONG-MASYADO!! - masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented at masyadong mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung HUMBLE KA LANG wag mayabang, at imbis na maging hambog, share na lang the blessing. hindi ka lang maganda / matalino / talented / mayaman / mabait pa!! im sure lahat mahuhumaling sayo.

11) IMBORNAL ANG BUNGANGA MO: naku kalimitang problema ito ng mga TAKLESANG TAO at ng mga masyado nang confident sa sarili nila. Maganda ka nga, mayaman, mabait naman, sweet naman, maganda naman pumorma, Pero pag nagsalita daig pa ung barker ng mga pedicab sa CUBAO eh! Ang lakas mong magmura!! Pinaglihi ka ba sa Nagmumurang Kamatis? Mga words mo pa ang lulupit ememorize mo na lahat ng mga bastos na salitang Pilipino at mga murang pinoy. Shempre palengkera dating mo nyan dba? Naku lalo pa kung mapanira ka, lalong wag! Matatakot lahat makipag-friends sayo, kahit babae!! Hahaha! Bawas mura kapatid! Instead of saying: Bwaka ng Ina, P*tang ina, P*king Ina!! Say: flowers, candies, rainbows, sheeps, clouds, butterflies and. . .

PUT A LITTLE MORE!! O dba? bumabango na “bibig” nya, yeah! di na “bunganga”.

MINSAN NAMAN SA MGA BABAE:

12)  TOO MANY BOYS: Minsan nai-intimidate din ang mga guys pag masyado maraming boys ang nakabakod sa girl. Wala ka ngang boyfriend, pero lagi mo naman prino-project na ang daming lumalandi sayo (na pawang mga superficial lang naman at mukhang walang potential na magbigay ng TRUE LOVE sayo). Pag ganyan palagi ang aura at drama mo, most likely, uurong yung mga boys na may HONEST INTENTIONS sayo at kaya kang mahalin ng todo, kasi natatakot sila na baka ikaw ang di kayang magmahal ng totoo. Alam kasi ng mga boys yan… na kahit kayo na (nakapili ka na ng BF mo), di pa din mawawala ang mga “boys” na nakapaligid sayo…

13) ONE OF THE BOYS: Ayan, isa pang problema ng mga gurls... kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys, na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other gurls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy. Ingat-ingat mahirap kasi pag masyado kang close sa mga boys kasi dumadating ang point na ang tingin nila sayo… MAS MASARAP KANG KAIBIGAN… aray!!! isa pa, parang lalaki na din ang tingin nila sayo… mapapansin mo yan, kapag nag-skirt or nag-spaghetti strap ka, tapos inaasar ka na ng mga friend mo na boys for being “gurl na gurl”. kasi ang boys, pag nakakita ng gurl in a sexy dress (tumatahimik yan, at may parang kumukulo sa loob nila)… so pag tinawanan ka, naku, sign na un…

14) STRICT ANG PARENTS: uhmmm… may two words kami dyan: GOOD LUCK!

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

15) WALA SA GUHIT NG PALAD MO ANG MAGKA-BOYFRIEND OR GIRLFRIEND!! - shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga!! hindi porke hindi ka na magkakaroon ng kasintahan ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si GOD kaya gusto niya na wala kang BOYFRIEND OR GIRLFRIEND siguro kaya wala kang kasintahan dahil kailangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, (EH BAKIT PAMANGKIN PA???! HAHAHA!!) baka kailangan ang full time and support mo sa organization mo..maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari. kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin na lang ang best para mag-stay siya sa buhay mo at nang hindi ka na nagtataka pa kung bakit SINGLE ka.  see what i’m sayin??

hmmmmm…. mukhang BITIN ka pa eh!! DAGDAGAN NATIN?? (^^,) hehe cge…

(P.S.) = “PAHABOL-SULAT”

O ETO PA…

Destiny Addict

Ito yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “soulmates” or
whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino
man ‘yung talagang para sa kanya ay darating na lang bigla sa
paraang maaaring hindi niya inaasahan– wow!! parang Serendipity.

Laging maririnig na nagsasabing: “Darating din yan. ‘Wag kasing hanapin.

Perfectionist

Simula
nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya
sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at
nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o
parang penguin maglakad, wala na. Turn off na ‘yun para sa kanya.

Laging maririnig na nagsasabing:
“Ok na siya e. Kaya lang gusto ko ‘yung ganito…”

Busy Bee

Pasensya
na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen,
papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi
‘pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at
matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV ‘pag Sabado
(at gumawa ulit
ng homework).
Sapat na sa’yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya
‘pag Linggo
(at gumawa pa rin ng homework).

Laging maririnig na nagsasabing: “Sorry, wala akong time sa ganyan e,”

Friend Forever Version 1

Kunwari
ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga ‘yang best friend o special
friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong
masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. ‘Yung tipong ‘pag may kasamang
iba ‘yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa
totoo lang, gusto mo na malusaw na parang
ice caps dahil sa Global Warming.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m so happy for you” o “Sayang naman ‘yung pinagsamahan namin e.”

Friend Forever Version 2

Wala
tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang
kasarian–pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys or ladies’ man.
Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa
mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang
nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang
halong malisya.

)Laging maririnig na nagsasabing: “May inuman ba mamaya?” kung babae o “Hatid ko ba kayo mamaya?” kung lalaki

Born to be One

Single-blessed ka at wala
ka nang magagawa kung ganun. :) Nilikha ka siguro para maging mag-isa
(pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh!) hanggang tumanda
ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang
ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga.
Minsan lang, masyado silang masungit.

Laging maririnig na nagsasabing: “Mag-isa ako.”

Happy-go-lucky

‘Eto
‘yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga
happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang
at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw
lang siguro ‘yung mga taong ganito sa “L.” Magbuhos ka nalang ng malamig
na tubig sa iyong buong katawan at solb na ‘yan.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m not ready to commit e, but I really like you.”

Wrong Time

‘Eto
naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya
masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, ‘yung pakiramdam
nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang
kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling
panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi
madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa
pamilya, o long test kinabukasan. :)

Laging maririnig na nagsasabing: “We had the right love at the wrong time…”

Parent Trap

Ayaw
ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/unico hijo
kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera.
Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may
makadalaw sa’yo sa bahay.  O kaya, baka ikaw ‘yung may problema dahil
natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong
gusto.  Baka kasi sabihin nila na masyado siyang
bansot/matangkad/baboy/payatot para sa’yo.

Laging maririnig na nagsasabing: “Baka magalit si Papa”

Trauma

Dahil
sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan
mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na
sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat
message
sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww… pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka
makapagmatapang na magventure into some love quest.

Laging maririnig na nagsasabing: “Pagod na pagod na akong masaktan!” *hikbi*

Your Ex-Lover is (NOT) Dead

Yikes!!
Mahal pa rin niya ang kanyang EX at hindi siya maka-get-over sa
person. wtf??! Pilit pa rin inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA
moments nilang dalawa kahit ‘yung EX niya ay nakikipag-mabutihan na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na
pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na
naman naiisip mo.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m over him/her…” “tapos iiyak bigla :))”

Ayaw

Dalawa
na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-”someone”. Hindi ko
na pipilitin ungkatin ‘yung dahilan pero may mga pagkakataon lang
talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka…ayaw kasi sa’yo nung gusto mo N’ that’s the shittiest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa’yo dahil may
girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya
talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. =(

Laging maririnig na nagsasabing: “Ayoko pa magkaboypren/girlpren e.” o “Hindi naman niya ko gusto.

WAZZ GOOD?? MY NAME IS M.C. DUANE…

AT WALA NA NAMAN AKONG MAGAWA!!!

HAHAHA!!! I’M JUST KILLIN’ TIME PEEPS…

ENIWEIZ, DI’BA MAY KASABIHAN NGA NA:

“NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA”

WALANG MANGYAYARI SA’YO KUNG MAGMUMUKMOK KA NA LANG DIYAN!!!!!!!
KAYA KUNG AKO SA’YO HABANG MAY PANAHON KA PA WAG MO NANG SAYANGIN.

AT TINITIYAK KO SA’YO NA GAGANDA ANG TAKBO NG MUNDO MO.

LUBOS NA GUMAGALANG,
ATE CHARO.

24
Jun

LESSON PARA SA MGA TROPA KONG IN LABabo!!!

kung ayaw na ng mahal nyo sa inyo wag nyo nang ipagpilitan ang sarili nyo sa kanila… ipinaglaban nyo na nga at lahat nag-aalala na nga kayo para sa ikabubuti nila eh binabalewala pa rin pala kayo…. sisirain lang ulo nyo nyan sa kakaisip magdamag di’ba… kung matigas ang ulo nila, bahala na sila, pagsisisihan din nila yan sa bandang huli, at saka pa lang nila malalaman ang kahalagahan ninyo…. magulo lang ang isip nila siguro.. nandun na tayo MAHAL NA MAHAL NYO SILA pero minsan kahit ano pang pag-intindi nyo eh wala pa din pagbabago… eh hindi na kayo ang may kasalanan dyan… hayaan nyo na sila… kung mahal nyo talaga sila BIGYAN NYO SILA NG LAYA…. pero gagawin mo lang yan pag nagawa mo na ang mga dapat mong gawin para bumalik sila sa buhay mo ngunit nabigo ka pa rin…. NABUHAY TAYO SA MUNDO PARA MAHALIN AT ALAGAAN SILA… HINDI PARA SAKTAN SILA… kung sila ang mananakit… tanggapin na lang natin.. KASALANAN YAN NG MGA NAUNANG KALALAKIHAN NA NANLOKO NG MGA BABAE NOON AT PAG MINALAS… TAYO ANG TATAMAAN NG KARMA NGAYON KAHIT MABABAIT NAMAN TAYO SA KANILA, LALAKE DIN KASI TAYO EH!!! HAHA!! this is REAL LIFE not a FAIRY TALE or a TELENOVELA DRAMARAMA or WHATEVER U WANT 2 CALL IT, mag-party na lang tayo!!! haha!! pero hindi lahat sa party nadadaan ang problema ha kasi pag-uwi nyo galing gimik.. MAAALALA NYO PA DIN SILA!!! HAHAHA!! THAT’S REAL TALK TRUST ME!! basta tandaan nyo si m.c. duane handa kayong damayan pagdating sa problema kahit paminsan-minsan bihira nyo na lang ako makita… i’m still the same G dawgs…. pero medyo nagkaka-edad na tayo kaya ayusin na natin buhay natin ayt?? God Bless! P.S. PWEDE MO DIN ITONG I-APPLY SA MGA KABABAIHAN, NAGKATAON LANG NA MAS MADAMI AKONG TROPANG LALAKE NA NAWALA SA FOCUS DAHIL SA LECHENG PAG-IBIG NA YAN.. YUN ANG SABI NILA, HEHE!! pustahan tayo sapul ka na naman noh? =p

24
Jun

BAKIT NA-IINLOVE ANG MGA BABAE SA MGA PLAYBOY??

Ang mga babae hindi yan bulag, lalong hindi manhid o tanga. Malakas ang pakiramdam ng mga babae at daig pa nila ang pinakamagaling na manghuhula kung hulaan rin lang kung sino ba talaga ang PLAYBOY sa mga lalake na ito. Ang mga playboy natural napakadaming GIRLS sa buhay nila. Kung ilan kayo o pang ilan kayo sa buhay nila eh hindi na mahalaga. Eh bakit nga ba nagkakagusto ang mga babae sa playboy? Madami akong barkada na ganyan pero hindi ko na lang sila papangalanan dahil ayaw ko namang makialam sa mga DISKARTE nila, PERO ALAM NYO NA KUNG SINO KAYO HAHAHA!!! Gusto ko lang ito i-share sa iba para naman may idea sila, wala namang masama eh, kahit kanino pwedeng mangyari ito kahit ALAM man nila o HINDI nila alam kung bakit, wellz, kayo na lang ang MAKIRAMDAM, ENIWEIZ. . .


Ito ang mga reasons…
1. masarap magmahal ang
playboy
-Bukod sa mabulaklak ang dila ng mga
playboy, todo din ang effort nyan para lang mapasagot ka. Kung may Visa papunta sa buwan sigurado dadalhin ka nya doon. At kung kayang bilhin ang mga bituin, malamang naubos na ang mga tala sa kalangitan dahil lahat yan ay ibibigay nila sau, hahahahaha!! SAPUL KA BA???

2. iba ang yabang factor ng mga playboy
-Likas na siguro sa
playboy ang ma-angas. Sabi ng ilang mga babae na kaibigan ko iba ang dating ng mga guys na maangas. . Parang may kakaiba sa kanila, parang sobrang challenging ang personality. Just imagine ang pinakamaangas sa campus sinusuyo ka, iba ang dating! Kaya kung ma-angas ang look mo boy pero gagawin mo lahat para mapasagot ang isang girl, YOU’RE THE MAN! MAY WEAKNESS KA DIN PALA BWAHAHAHA!

3. Masarap makitang magbago ang playboy para sa’yo. Yung tipong sasabihin nya sa’yo na "alam mo dati gago ako pero nung nakilala kita nakita ko na ang dahilan para magbago", o kaya naman "alam mo ikaw lang ang nakapagpatino sa’kin ng ganito". NAKS! BEST ACTOR!! =)

hahahaha!! PERO TANDAAN NYO DIN NA MAS MADAMING GIRLS ANG NATUTURN-OFF SA MGA PLAYBOY… kaya ang maipapayo ko lang mga tol eh makuntento na lang kayo sa isa, wag na papalit-palit, kasi HINDI NAMAN PLAYGROUND ANG MGA DAMDAMIN NATIN EH, kayo kaya makakilala ng PLAYGIRL?? SAKIT SA ULO DI’BA?!?

24
Jun

BITTER KA PA BA OR BETTER KA NA BA?

OXYMORON… OR MORON KA LANG TALAGA??! HAHAHA!!

Nakakatawa talaga ang pag-ibig..
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.

*********************************************************************
Masaya magmahal. Malungkot magmahal.
Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.
Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.
Masakit magmahal. Pero okey lang.

*********************************************************************
Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati
"Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi loud ang standing niya,
pero dumating ang panahon,
na-in-love din ang hunghang.
At ayun, tanga na siya ngayon.

*********************************************************************
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Theresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.
(At tumitigas din ang mga bagay na
madalas nama’y malambot.)

*********************************************************************
Nakakatawa talaga.
Lalo na kapag dumadating siya
sa mga taong ayaw na talaga magmahal.
Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,
sabihin mo lang ang magic words na
"Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA!!
Ayan na siya. Nang-aasar.
Magpapaasar ka naman.

*********************************************************************
Di ba nakakatawa rin na pagdating
sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo?
Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan,
AYAN NA!! NANGANGAMOTE KA NA!! Nung ikaw ang
nagpapayo parang "LOVE DOCTOR" ang dating mo
pero pag ikaw na ang may problema sa PAG-IBIG
eh hindi mo na alam KUNG PAANO MO GAGAMUTIN ANG
NARARAMDAMAN MO… NATURAL!!! Eto ang sasabihin
sa inyo ni M.C. DUANE, BAKIT NAKAKITA NA BA KAYO
NG DOKTOR NA GUMAMOT NG KANYANG SARILE?? HAHAHA!!!

*********************************************************************
Parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo
dun sa namomroblemang tao Naiisip mong wala namang mali
dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

*********************************************************************
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!"
"Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!"

*********************************************************************
Ang sarap din pagtawanan ng mga taong
alam naman nilang masasaktan lang sila
eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila,
siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya!

*********************************************************************
"Bakit niya ‘ko sinaktan?"
May kasama pang pagsuntok sa pader yon,
at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko
kakasabi ng mga bagay na nakakatawa
‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan.
Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong
kaya masasabi ko nang eksperto na’ko sa PAGPAPAYO..
Pero wala pa rin akong alam N’ that’s FOREAL!!!

*********************************************************************
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat
ay ang katotohanang kapag
gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo
PATI NANAY AT TATAY MO IPUSTA MO NA DIN
dahil siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa noh?? Nakakaiyak…… LOLS!!

*********************************************************************