24
Jun
08

NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT SINGLE KA PA??

  • SINGLE: Minsan ayos lang maging SINGLE kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan,. lalo na’t malamig ang hangin o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa’yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.


*kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba kayo walang nagiging boyfriend/girlfriend? tingnan natin..

1) MASYADONG INDEPENDENT - baka naman masyado mo napoproject na kaya mongmabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2) MATAAS ANG STANDARDS- siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala siya madalas maligo, mahiyain mag-toothbrushkaya naman sobrang bad breath niya sa umaga, puro barya ang mga hita at binti o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo, may nakausli na “pang labing-isang” daliri sa kamay at NAKAPANGINGILABOT NA BALAT dahil madami siyang AN-AN SA kanyang LIKOD NA PARA BANG MAPA NG CEBU… oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboboyfriend at maggirlfriend ngaun puro friends na lang.

3) UBOD KA NG KASUNGITAN - maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. (^^,)

4) MASAMA ANG UGALI - kung papipiliin ako kung sa masungit o sa masama ang ugali… dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng ‘peek-a-boo’BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait, pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo magbago. magdasal ka kay lord ng mataimtim huh?? *hahahaha*

5) NAGKUKULONG SA BAHAY - walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka.. pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6) MUKHA KANG LOSYANG - ito ang kadalasang krimen ng mga single. Hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI !!! Dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7)MASYADONG MAGALING - medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na i-compromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan na may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong ma-intimidate.

8) SOBRANG BUSY - alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.

9) DALA ANG BIGAT NG KAHAPON - may kasabihan nga, “how can u look forward when u keep looking back?”walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa! tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman? (^^,)

10) MASYADONG-MASYADO!! - masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented at masyadong mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung HUMBLE KA LANG wag mayabang, at imbis na maging hambog, share na lang the blessing. hindi ka lang maganda / matalino / talented / mayaman / mabait pa!! im sure lahat mahuhumaling sayo.

11) IMBORNAL ANG BUNGANGA MO: naku kalimitang problema ito ng mga TAKLESANG TAO at ng mga masyado nang confident sa sarili nila. Maganda ka nga, mayaman, mabait naman, sweet naman, maganda naman pumorma, Pero pag nagsalita daig pa ung barker ng mga pedicab sa CUBAO eh! Ang lakas mong magmura!! Pinaglihi ka ba sa Nagmumurang Kamatis? Mga words mo pa ang lulupit ememorize mo na lahat ng mga bastos na salitang Pilipino at mga murang pinoy. Shempre palengkera dating mo nyan dba? Naku lalo pa kung mapanira ka, lalong wag! Matatakot lahat makipag-friends sayo, kahit babae!! Hahaha! Bawas mura kapatid! Instead of saying: Bwaka ng Ina, P*tang ina, P*king Ina!! Say: flowers, candies, rainbows, sheeps, clouds, butterflies and. . .

PUT A LITTLE MORE!! O dba? bumabango na “bibig” nya, yeah! di na “bunganga”.

MINSAN NAMAN SA MGA BABAE:

12)  TOO MANY BOYS: Minsan nai-intimidate din ang mga guys pag masyado maraming boys ang nakabakod sa girl. Wala ka ngang boyfriend, pero lagi mo naman prino-project na ang daming lumalandi sayo (na pawang mga superficial lang naman at mukhang walang potential na magbigay ng TRUE LOVE sayo). Pag ganyan palagi ang aura at drama mo, most likely, uurong yung mga boys na may HONEST INTENTIONS sayo at kaya kang mahalin ng todo, kasi natatakot sila na baka ikaw ang di kayang magmahal ng totoo. Alam kasi ng mga boys yan… na kahit kayo na (nakapili ka na ng BF mo), di pa din mawawala ang mga “boys” na nakapaligid sayo…

13) ONE OF THE BOYS: Ayan, isa pang problema ng mga gurls... kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys, na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other gurls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy. Ingat-ingat mahirap kasi pag masyado kang close sa mga boys kasi dumadating ang point na ang tingin nila sayo… MAS MASARAP KANG KAIBIGAN… aray!!! isa pa, parang lalaki na din ang tingin nila sayo… mapapansin mo yan, kapag nag-skirt or nag-spaghetti strap ka, tapos inaasar ka na ng mga friend mo na boys for being “gurl na gurl”. kasi ang boys, pag nakakita ng gurl in a sexy dress (tumatahimik yan, at may parang kumukulo sa loob nila)… so pag tinawanan ka, naku, sign na un…

14) STRICT ANG PARENTS: uhmmm… may two words kami dyan: GOOD LUCK!

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

15) WALA SA GUHIT NG PALAD MO ANG MAGKA-BOYFRIEND OR GIRLFRIEND!! - shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga!! hindi porke hindi ka na magkakaroon ng kasintahan ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si GOD kaya gusto niya na wala kang BOYFRIEND OR GIRLFRIEND siguro kaya wala kang kasintahan dahil kailangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, (EH BAKIT PAMANGKIN PA???! HAHAHA!!) baka kailangan ang full time and support mo sa organization mo..maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari. kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin na lang ang best para mag-stay siya sa buhay mo at nang hindi ka na nagtataka pa kung bakit SINGLE ka.  see what i’m sayin??

hmmmmm…. mukhang BITIN ka pa eh!! DAGDAGAN NATIN?? (^^,) hehe cge…

(P.S.) = “PAHABOL-SULAT”

O ETO PA…

Destiny Addict

Ito yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “soulmates” or
whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino
man ‘yung talagang para sa kanya ay darating na lang bigla sa
paraang maaaring hindi niya inaasahan– wow!! parang Serendipity.

Laging maririnig na nagsasabing: “Darating din yan. ‘Wag kasing hanapin.

Perfectionist

Simula
nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya
sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at
nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o
parang penguin maglakad, wala na. Turn off na ‘yun para sa kanya.

Laging maririnig na nagsasabing:
“Ok na siya e. Kaya lang gusto ko ‘yung ganito…”

Busy Bee

Pasensya
na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen,
papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi
‘pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at
matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV ‘pag Sabado
(at gumawa ulit
ng homework).
Sapat na sa’yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya
‘pag Linggo
(at gumawa pa rin ng homework).

Laging maririnig na nagsasabing: “Sorry, wala akong time sa ganyan e,”

Friend Forever Version 1

Kunwari
ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga ‘yang best friend o special
friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong
masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. ‘Yung tipong ‘pag may kasamang
iba ‘yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa
totoo lang, gusto mo na malusaw na parang
ice caps dahil sa Global Warming.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m so happy for you” o “Sayang naman ‘yung pinagsamahan namin e.”

Friend Forever Version 2

Wala
tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang
kasarian–pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys or ladies’ man.
Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa
mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang
nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang
halong malisya.

)Laging maririnig na nagsasabing: “May inuman ba mamaya?” kung babae o “Hatid ko ba kayo mamaya?” kung lalaki

Born to be One

Single-blessed ka at wala
ka nang magagawa kung ganun. :) Nilikha ka siguro para maging mag-isa
(pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh!) hanggang tumanda
ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang
ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga.
Minsan lang, masyado silang masungit.

Laging maririnig na nagsasabing: “Mag-isa ako.”

Happy-go-lucky

‘Eto
‘yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga
happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang
at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw
lang siguro ‘yung mga taong ganito sa “L.” Magbuhos ka nalang ng malamig
na tubig sa iyong buong katawan at solb na ‘yan.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m not ready to commit e, but I really like you.”

Wrong Time

‘Eto
naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya
masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, ‘yung pakiramdam
nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang
kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling
panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi
madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa
pamilya, o long test kinabukasan. :)

Laging maririnig na nagsasabing: “We had the right love at the wrong time…”

Parent Trap

Ayaw
ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/unico hijo
kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera.
Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may
makadalaw sa’yo sa bahay.  O kaya, baka ikaw ‘yung may problema dahil
natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong
gusto.  Baka kasi sabihin nila na masyado siyang
bansot/matangkad/baboy/payatot para sa’yo.

Laging maririnig na nagsasabing: “Baka magalit si Papa”

Trauma

Dahil
sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan
mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na
sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat
message
sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww… pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka
makapagmatapang na magventure into some love quest.

Laging maririnig na nagsasabing: “Pagod na pagod na akong masaktan!” *hikbi*

Your Ex-Lover is (NOT) Dead

Yikes!!
Mahal pa rin niya ang kanyang EX at hindi siya maka-get-over sa
person. wtf??! Pilit pa rin inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA
moments nilang dalawa kahit ‘yung EX niya ay nakikipag-mabutihan na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na
pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na
naman naiisip mo.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m over him/her…” “tapos iiyak bigla :))”

Ayaw

Dalawa
na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-”someone”. Hindi ko
na pipilitin ungkatin ‘yung dahilan pero may mga pagkakataon lang
talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka…ayaw kasi sa’yo nung gusto mo N’ that’s the shittiest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa’yo dahil may
girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya
talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. =(

Laging maririnig na nagsasabing: “Ayoko pa magkaboypren/girlpren e.” o “Hindi naman niya ko gusto.

WAZZ GOOD?? MY NAME IS M.C. DUANE…

AT WALA NA NAMAN AKONG MAGAWA!!!

HAHAHA!!! I’M JUST KILLIN’ TIME PEEPS…

ENIWEIZ, DI’BA MAY KASABIHAN NGA NA:

“NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA”

WALANG MANGYAYARI SA’YO KUNG MAGMUMUKMOK KA NA LANG DIYAN!!!!!!!
KAYA KUNG AKO SA’YO HABANG MAY PANAHON KA PA WAG MO NANG SAYANGIN.

AT TINITIYAK KO SA’YO NA GAGANDA ANG TAKBO NG MUNDO MO.

LUBOS NA GUMAGALANG,
ATE CHARO.




59 Responses to “NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT SINGLE KA PA??”


  1. 1    china aka June 24, 2008 at 5:49 am

    out of 15 … 10 ang sapul ako hahaha kaya d na ako nag tataka ilang taon n ako single bwahahahaha….

  2. 2    Sher June 24, 2008 at 8:09 am

    No comment .. hhahaha basta ako steady lang …saka oo na sapul ako sa ibang part … pero sa karamihan naman hindi … kaya ok lang … hahahaha

  3. 3    M.C. DUANE June 24, 2008 at 9:32 am

    pero sapul ka sa ibang BLOG ko pare AMININ mo!!! HAHAHAHA!!!

  4. 4    珍珠 PEARL 女孩 June 24, 2008 at 9:00 pm

    hahahaha!…. me 2 sapul din ako s ibang items ng blog Ü… pro ok lng it’s my choice to be single & in due tym i’ll commit myself to somebody pagsuper realdy n me ulit magmahal… yong tym nah handa ko ng ipaglaban ang nararamdaman ko s taong mamahalin q.^_^…

    pro as of knw i’ll establish myself first.

  5. 5    Christopher June 24, 2008 at 11:59 pm

    pare, nabasa ko tong isang to, natawa ako kasi almost puro babae ung nasa situation, pero dun sa isa, “Hindi nya ako gusto” aun sapul ako…haha…

  6. 6    M.C. DUANE June 25, 2008 at 12:55 am

    ah talaga? hehe! wag mo munang sasabihin yan hangga’t hindi “sya mismo” ang nagsabi sayo nyan.. tandaan mo minsan ang mga babae nagpapakipot din yan minsan para malaman talaga nila kung malinis ang intensyon mo… who knows? malay mo type ka din pala… hindi mo lang alam… actually pwede mong i-apply sa sitwasyon ng babae at lalake yan tol =)

  7. 7    ELAI June 25, 2008 at 1:05 am

    haha….ur ryt may mga taong ganun…gling2..enjoy koh muna nah single akuh ngaun….hehe…nice blog..:)

  8. 8    Sher June 25, 2008 at 1:53 am

    aba at nagdadad ka pa pala ha … oo nga friend-forever … ah eh happy go lucky? .. sino kaya yun .. hahaha

  9. 9    Sher June 25, 2008 at 1:56 am

    NAGDAGDAG … ayan na wrong spelling pa tuloy ako .. atat kasi masyado mag comment eh .. hahahaha

  10. 10    Foxy June 26, 2008 at 10:33 pm

    hey…i really like your blog posts. ^_^ my friends and i were very entertained reading it. tis funny and at the same time we learned something from it. hahahaha luvzit! tc

  11. 11    chill June 28, 2008 at 7:53 pm

    sapul!

  12. 12    cHaRhM June 29, 2008 at 1:18 am

    ….astig…nakarelate ako…as in nagulintang ako dun…heheheh ..GOOD JOB!!!!TWO THUMBS UP!!

  13. 13    Christopher June 29, 2008 at 3:03 am

    oo nga eh…pero tol, ngayon ko lang nalaman…T_T may lab siyang iba…huhu…pero hindi naman nya sinabing ayaw nya sa’kin…

  14. 14    meg June 29, 2008 at 10:20 pm

    ahahah, OMgosh!i think 18 ang score kow including the (p.s.)…for the past 20 years of my life… ahahaha,but it was fun reading it!asteeg!ÜÜÜ

  15. 15    vinz June 30, 2008 at 12:17 am

    ANU GINAGAWA KO SA BLOG NA TOH?! IM LOST… HAHAHA.. meron pang isa yung.. “im single bcoz im a gee.. money over b****s” hahaha walang ka eport eport (landingan ng epleyn) ang blog mo ah. hehehe rolf

  16. 16    M.C. DUANE June 30, 2008 at 4:23 am

    hahaha!! OO NGA G!! ALAM MO NAMAN WALA TAYO SA “N.A.I.A.” KAYA WALANG KA “EPPORT” “EPPORT” ANG BLOG HAHAHAHA!! OO UURONG AKO AT BAKA LUMANDING NA SA EPPORT NG NAIA SI “EPLEYN”… EPLEYN “BATA” REYES!! CHAKET SA TYAN!!! HAHAHAHA!!

  17. 17    liv~ June 30, 2008 at 6:04 am

    hey! :D err..nice blog..san mo man toh nkuha, astig..hehe..:D il repost nga pla sa blog ko ah..hehehe..

  18. 18    Sher June 30, 2008 at 7:10 am

    grabe naman sa CHAKET yan .. hahahaha

  19. 19    vinz July 1, 2008 at 11:11 pm

    wag na nateng dagdagan.. baka mag karoon pa nag V.A.C. ( VALUE ADDED CHAX ) hahahaha

  20. 20    ana July 2, 2008 at 1:31 pm

    kewl. nakakatuwa blog mo. =) il repost this huh? para makarelate din yun iba.. don’t worry, ccredit ku sau.. masampahan pa q ng plagiarism.. hehehe

  21. 21    M!kAt0k July 4, 2008 at 1:05 am

    kulit mo!haha!!!
    akalain mong naiisip mo pa mga gnyan?!?!
    nabugbug ako dun a!sapul!lols!

  22. 22    J h E n XViii July 4, 2008 at 4:56 am

    uber sapul nman acuh dun…hehe!!=D galing m0h kua duane!!!^^,

  23. 23    xoxoSTEF ü ii July 6, 2008 at 2:07 am

    grabe ung utak neto ni duane!sapul ata ako!? aray!
    haha..well lyk wat ya sed its my choice to be single..and im jus enjoying too! =)

  24. 24    sHaNa toScA23 July 7, 2008 at 9:24 pm

    ang boka m tlaga duanE..haha
    ang dami mong baon lagi ha??…d nman aq ngatataka kung bk8 single ang ingrata ngaun hehe..kata2pos lng kc sa ntapos nang khapon..ohh haha kala m kaw lng my mala2lim na salita noh,,per happy nman na ngaun..geh gawa kpa, nang madami kng mainspire!!! good work haha flat one..

  25. 25    abi July 11, 2008 at 1:37 pm

    it’s all true. anywayz sobrang nakakatuwa ka. andami mong alam.. keep up the good blogs! Can i ask u? how old r u nb tlga?;) dieu vous benisse..;p

  26. 26    Sher July 14, 2008 at 11:59 pm

    ilang taon na sya?? … hahahaha … yan ang isang malaking palaisipan ..

  27. 27    Nhic SainTt July 20, 2008 at 2:12 am

    alin ka nman ba jan MC DUANE? idol..??kt nga b ikw single pdin?.. wehehe ask qu lng.. xenxa na..

  28. 28    cass September 19, 2008 at 12:25 am

    galing. hehehe. ;)

  29. 29    anne_lieze September 19, 2008 at 2:37 am

    i love it! sapul hanggang buto… lol! :D

  30. 30    anna September 19, 2008 at 2:48 am

    hahaha….sapol na sapol acoh ahh…

  31. 31    zyerg September 19, 2008 at 5:13 pm

    anu p nga ba e di sapol! di lng ouch, aray ko po! aray ko po! MC duane i think i luv u na.. hehe

  32. 32    KniGH† WolF September 19, 2008 at 6:13 pm

    nice entry….

    daming tama sa mga taong dapat patamaan!! hehehe… and i’d like to say.. OUCH…. hehehe…

  33. 33    rennai.XxX September 20, 2008 at 1:18 am

    LOVE iT ! :)

  34. 34    greyz September 20, 2008 at 1:38 am

    astig.panalo.di aq mahilig magbasa ng blogs pero natutuwa aq sa mga nababasa q. an galeng.apir.

  35. 35    ,Ana Airyn_24 September 20, 2008 at 10:44 am

    _grabeh…touch akoh dun…ung mga cituations lyk “nagkukulong sa bahay,one of the boys,strict ang parents,parents trap,at friend forever version 1 and 2…grabeh,hanep!!!sakit nun!!!ouch…tnx kuya duane for the very interesting blog…hope we’ll be friends…ingatz!!

  36. 36    420chic September 27, 2008 at 4:00 pm

    im single. im 19 yrs of age.
    i never had a bf. since.
    i am single by choice.
    i can say that there are some guys who’s
    trying to win my heart,but freak! i cant stand them!
    bkt gnun?.. meron nga nanli2gaw.. ndi ko nmn cla gs2..
    and its kinda dumb that the person u like,
    is the person that u cant have.

  37. 37    420chic September 27, 2008 at 4:02 pm

    can u comment, say something about my sit.?

  38. 38    ann October 8, 2008 at 9:58 pm

    ok yun guys……….lahat totoo……..ang mahalaga……….ACCEPTANCE lang lahat

  39. 39    23 October 26, 2008 at 5:12 am

    at meron pa palang karugtong yung no. 11…hehehe nakakaaliw
    tagos sa buto!hahaha
    I enjoyed reading your post.

  40. 40    lezah November 9, 2008 at 9:38 pm

    lOve iT!!!
    nakakarelate tlga ako sa mga blogs mo..
    kip it up.. =)

  41. 41    ecina November 20, 2008 at 4:25 am

    nakakahumaling kah!!!

  42. 42    ana December 4, 2008 at 1:46 am

    ang galing mo naman…

  43. 43    zy December 28, 2008 at 7:45 am

    nagrepost po ako. narinig ko nadin to sa tambalan eh… saya saya! :))
    cool BD

  44. 44    tAtSz.. January 4, 2009 at 6:03 am

    hay.. gLeng mu tLga.. wh0o0o0h..

  45. 45    planet Mars February 9, 2009 at 2:03 am

    lolz..sapul nga..akalain mo lahat ng reason na nasabi sakin anjan kung bakit single pa ko namention mo HALOS lng(d lahat ha). dami mong alam..=D

  46. 46    Jhela April 25, 2009 at 8:04 pm

    hahaa .. mbuhay mga SINGLE :))
    yea .. nice blog ..

  47. 47    -basha- May 13, 2009 at 2:31 am

    super laugh trip pro 22o….
    nice blog….

  48. 48    sammie May 14, 2009 at 4:18 am

    sapul..
    lalo sa one of the boys..
    i used to be one of the boys..talgang “one” talaga as in sa boys talk andun ako at parang my side ako na ngakakagusto ako sa babae and i had a relationship with them also part na lahat un ng other side ko..kaso nga lang this time na i need to be descent and be modest hindi ko parin talaga maikubli sa sarili ko na magkagusto ako sa kapwa ko babae one big factor lang sakin ngayon nagkakafeelings nadin ako sa lalake which is both sexuality already..
    ngayon parang pader na sila makisma kung hindi ako aasarin hindi na nila ako sinasamahan WTF!
    ano bang meron sa skirt na wala sa pantalon hindi naman ako nagbago nag mukhang babae lang..

    sapul..
    din dun sa part na happy-go-lucky
    i admit ganun ako hindi ready mag commit pero gusto ko un tao the good thing about me i know how to handle it lalo na kapag alam kong totoo na nararamdaman ko “STOP” na..my spark na eh
    masakit na kase pag alam mong totoo,lalo na kong effort din ng tao simula palang ay sobra na..
    ang pinaka masakit pa na isa hindi mo na nga kayang i-commit sarili mo doble sakit pa gingawa mo..

    sapul..
    bolero?daig ko pa lalaki mambola=) bolera naman ako haha jowc pero sometimes gusto ko daig ko lalaki mambola..
    the fact na dati paran din akong guy courting girls..noong ako na ang nako-court uneasy un feeling parang hindi mo ma explain..ng hahalf half un katauhan ko=))
    boyish nga talaga ako pero existing parin un babae ang gusto ko hindi lalaki..

    anyways..babasahin ko nalang all over again un blogs mo..
    thanks for sharing madaming ARAY! natanggap ko=) hahaha

  49. 49    miSz.mAry jhOY June 23, 2009 at 12:34 am

    eOw pOe..hMmm la pOE koe mAsabi XA bLog MOe..
    sObrNg nAkakatUwa aT INtERESTInG basAHIN..
    AT nAkarelATe TALAGA AkOE SoBRA..AHIHIHihi
    hOpe Gumawa kA pa nG MAs madami..
    amm pEDE KOe poe ba i PoSE tOh sah bUlletIn??

    mamaTZ ULIT..:))hEhe

    jHoy

  50. 50    LiL_saint28 June 23, 2009 at 1:47 am

    ang galing… sarap basahin ng blog u..

    halos lahat ng sinabi mo 220..

    napagdaanan ko ung iba sa mga nabanggit..

    pero ngaun.. di na me single ehehe..

    akalain mo un na obserbahan mo lahat ng un

    kung bakit single ang isang tao..

    what a Brignt MIND..

    ehehe…

  51. 51    Mhekhies16 June 24, 2009 at 12:47 pm

    2 THUMBZ UP!!
    galing moh kuya…or ate??
    i learned a lot za pozt n2..
    zapuL na zapuL aq lalo na za zobrang busy, one of the boys, at friends forever..
    hehhehe…
    pnu q ba mbabago un?
    i grew up za place na maz abundant an boyz keza gurL..
    kya pati tone ng pgzazalita q prang lalaki n rn dw,
    pati n nga dw bozez,kiloz,at way q mgizip at
    lalong lalo na za pgla2kad eh prang la2ki n dn…
    kea kht love q friend q..
    an 3p pdn nmin pg mgkzama ay mghnap ng mgndang chix..
    a lot of times ng-eenjoy aq..but there’s a time na zeloz na zeloz
    nq za kLokohang gngwa nya or nmin…
    haaayyyy…it’z really hard to pretend na tropapitz lng tngin u za love muh…
    awtz…ang hba na pla ng commentz quh…
    mxado ata aq ngenjoy d2 ah..heehe ^^
    re-pozt q poh 2 ah! dont wori i will credit diz pozt undr ur name bro or ziz! i dunno.
    zaludo aq zau pre…apir tau jan!! =)

  52. 52    Lea June 25, 2009 at 1:48 am

    nakakatuwa talaga blogs mo! IDOL! hahaha!

  53. 53    ashley June 25, 2009 at 3:47 am

    ang ganda nmn ng mga blog’s mo……..!!!
    ang sarap basahin hehehehe,

  54. 54    shire June 29, 2009 at 12:16 am

    pwede request? nakaka-aliw kasi yung entry mo bout sa SINGLE chorva. Nakaka-aliw pero reastically speaking, totoo.

  55. 55    ric castro July 7, 2009 at 1:25 am

    galing u tlg ang kulit pero 22o

  56. 56    ric castro July 7, 2009 at 1:27 am

    ang galing naman ng blog u
    makulit pero halos realistic 14 out of 15
    cguro!!!!!!!!!!!!!

  57. 57    alyza July 14, 2009 at 5:10 am

    wow, ang galing mu naman. tinamaan talaga ko sa mga sinabi mo, hehe.

  58. 58    jaziel August 4, 2009 at 11:31 pm

    wow ahh galing ng blog mo…aus!hihi=}

  59. 59    Noey August 6, 2009 at 3:57 pm

    Ang ilan ba dito ay base sa mga tunay na pangyayari na mahusay na kinalp ang mga ebidensya? lol..Gaano na nga ba katagl akong walang tintatwag na ” akin” . Madalas kong tanungin ang nanay ko( SUmalangit nawa ang kaluluwa) ” Nay, Panget ba ako? ” Sabi nya, “Nak, ang kagandahan ay nsa loob, kaya…. wag kang lalabas.” Nyahahahaha… TGIF!

Leave a Reply